Balik-normal na ang operasyon ng mga biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX matapos ang malakas na buhos ng ulan kahapon na dahilan para magkansela ng biyahe ang ilan sa mga bus company.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, all systems go na uli ang operasyon sa PITX, lalo na sa mga biyaheng pa-norte.
Pangunahing dahilan, ayon sa PITX, ng mga nakanselang biyahe kahapon ang pagbaha sa Balintawak at ilang bahagi ng Pampanga kaya hindi na tumuloy ang mga nasabing biyahe.
Pagdating naman sa mga stranded na pasahero, wala silang naitalang stranded. Ngunit kung mayroon mang ma-stranded, handa naman ang PITX na ibigay ang kinakailangang serbisyo gamit ang kanilang mga pasilidad.
Paglilinaw pa ng pamunuan ng PITX, bukas sa publiko ang kanilang istasyon 24/7, ngunit hanggang 11:00 PM lamang ang mga biyahe, na magbabalik naman pagsapit ng 3:00 AM.