Nagbigay ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasahero ngayong araw.
Ito ay alinsunod sa utos ng Pangulo na tiyaking may masasakyan ang mga pasahero, lalo’t maraming lugar sa Metro Manila ang nakakaranas ng pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan.
Gamit ang dalawang PCG bus, isinagawa ang libreng sakay sa rutang PITX patungong Baclaran at Monumento via Taft, kung saan nakapagsakay ng mga pasahero mula PITX at Libertad Station patungong Carriedo at Monumento.
Samantala, nagsagawa rin ng libreng sakay sa rutang MOA, Pasay patungong Monumento via EDSA at pabalik. Nakapagsakay ito ng mga commuter mula Baclaran, Ayala, Ortigas, Santolan at Bagong Barrio, habang naghatid naman ng mga pasahero sa Ayala Station, Trinoma at Monumento.
Ang patuloy na pagbibigay ng libreng sakay ay bahagi ng tungkulin ng PCG sa pagbibigay ng agarang serbisyo at suporta sa publiko, lalo na sa mga commuter na nangangailangan ng alternatibong paraan ng pagbiyahe.