Photo courtesy of Hilda Austria
Umabot na sa 44,081 sa 54,022 na itinakdang pamilyang benepisyaryo sa Pangasinan ang nakatanggap ng paunang cash assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang August 18.
Kabilang sa unang batch ng mga nakatanggap ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Malasiqui at iba pang bahagi ng lalawigan na kabilang sa Group 2, o mga indigent at near-poor families.
Bawat benepisyaryong pamilya ay nakatanggap ng tig-₱2,000 upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa DSWD, ang mga susunod na tranche ng payout ay direktang idedeposito sa digital wallets o bank accounts ng mga benepisyaryo. Inilunsad ang programang ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga pamilyang apektado ng krisis sa enerhiya at kahirapan sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Program (AICS) ng ahensya.