BIR, naglabas ng bagong eBIRForms Offline Package
Pinapayuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na gumagamit ng eBIRForms Offline Package na mag-update sa pinakabagong bersyon.
Ito ay ang eBIRForms Offline Package Version 7.9.6.0 o 7.9.6.1. Nilinaw ng ahensya na hindi na susuportahan ang mga lumang bersyon ng eBIRForms Offline Package.
Hinihikayat ang mga taxpayer na agad na mag-update at sundin ang User Manual.
Mahalaga ring sundin ang tamang proseso sa pag-backup at restore ng mga dating nai-save na tax returns at data. Para sa kumpletong detalye, tingnan ang Tax Advisory at User Manual ng BIR.