Nanawagan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa mga netizen na huwag nang i-repost ang mga video ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
Ayon sa inilabas na pahayag ng CICC, maaaring magdulot ng panic ang patuloy na pagkalat ng mga naturang video.
Mahigpit namang mino-monitor ng ahensya ang social media kaugnay ng insidente.
Nakikipag-ugnayan na rin ang CICC sa Meta para sa agarang pag-take down ng mga video.
Hinimok din ang mga magulang na bantayan ang online activities ng kanilang mga anak, lalo na ang mga menor de edad.
Nakikiramay ang CICC sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa mga kinauukulang tanggapan upang matugunan ang mga online activity kaugnay ng pamamaril.