Kanselado muli ang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw.
Sa ibinabang advisory ni Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., pinabatid na kanselado ang trial dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Ang kanselasyon ay isinagawa sa atas ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero.
Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay tila tuloy naman ang Plenary Session ng Senado ngayong hapon.
Sa hiwalay namang advisory, pinabatid ni Senate Secretary Bantug na pinapayagang mag work-from-home ang mga opisyal at empleyado ng Senado na hindi direktang kailangan o walang partikular na tungkulin sa Plenary Session ngayong Miyerkules, August 19.
Ito ay alinsunod, aniya, sa direktiba ni Senate President Sherwin Gatchalian at kaugnay ng Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Office of the President.
Ayon sa advisory, maglalabas ng panibagong abiso sakaling kailanganing kanselahin ang Plenary Session ngayong araw.
