Ipinag-utos ngayon ng Department of Education (DepEd) 11 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Davao Region na magpatupad ng paghihigpit sa seguridad matapos ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga na kinasasangkutan ng isang mag-aaral.
Sa isinagawang Davao Peace and Security Press Corps Media Briefing sa The Royal Mandaya Hotel, inihayag ni DepEd 11 Spokesperson Jenielito Atillo na dapat busisiin ang bag ng lahat ng papasok sa mga eskwelahan.
Ayon kay Atillo na dapat lahat ng papasok hindi lang ang mga estudyante kundi maging mga guro, opisyal ng paaralan at iba pang personahe ang inspeksyonin para matiyak ang na walang makakalusot na anumang armas.
Hinihingi naman nito ang pasensya ng mga maapektuhan dahil para naman ito sa kaligtasan ng lahat.