Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Alas-2 ngayong hapon inaasahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa main office ng MMDA sa Lungsod ng Pasig.
Dito ay bibigyan ng situation briefing ng pamunuan ng MMDA ang Punong Ehekutibo partikular hinggil sa lagay o sitwasyon ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila sa gitna ng patuloy na pagmo-monitor sa mga binahang lugar ng Metro Manila.
Layunin ng briefing na mabigyan ang Pangulo ng updated na impormasyon para sa pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.
Bukod sa MMDA, inaasahan ding magbibigay ng briefing sa Pangulo ang mga taga Office of the Civil Defense, mga taga PAG-ASA, at mga taga Metro Manila Council.
Asahan na din na magbibigay ng kanyang direktiba ang Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa harap ng patuloy na pagtutok nito sa lagay ng panahon at posibleng pinsalang idulot nito sa ating mga kababayan.