Naharang ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs at Philippine National Police ang 200 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyon sa Manila International Container Port sa North Harbor, Manila, ngayong November 4.
Nakatago ang ilegal na droga sa 50 karton na naglalaman ng 200 vacuum-sealed plastic bags at nagmula sa Laos.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, natukoy ang shipment matapos makatanggap ng intelligence information mula sa foreign counterparts noong September.
Dumating ang container noong October 6 at sumailalim sa X-ray, K9 inspection at chemical testing na nagkumpirmang shabu ang laman nito.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang consignee at mga nasa likod ng shipment na posibleng managot sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.