Kinumpirma ni Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na sisimulan na nila sa darating na Setyembre ang pagtatayo ng underground detention basin.
Paliwanag ni Dizon, ito ay gagawin malapit sa Rajah Sulayman Park na kayang sumalo ng mahigit tatlong milyong litro ng tubig-ulan bago ito ilabas sa Manila Bay.
Giit ni Dizon mas malaking tulong sa mga pumping stations ang may saluhan ng tubig para mas maging maayos ang pagsipsip ng mga ito papalabas sa Manila Bay.
Tinataya namang aabot sa apat hanggang anim na buwan ang konstruksyon ng pasilidad.