Hindi nagpapigil sa buhos ng ulan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon para inspeksyunin ang sitwasyon ng mga pump sa Remedios pumping station.
Ayon kay Dizon, sira ang mga pangunahing pump sa lugar kaya nag-deploy sila ng dalawang mobile pump na gumagana ngayon.
Isa aniya ay mula sa MMDA habang ang isa ay sa DPWH.
Target ng ahensya na magkaroon ng tig- dalawang backup pump ang iba’t ibang pumping station sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Ito aniya ay upang magkaroon ng back up ang main pumps sakaling masira ang mga ito at nang mabilis na mapahupa ang baha sa mga lugar mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue.
Nakatakda namang ayusin ang mga nasabing sirang pump kapag bumuti ang panahon.
Paliwanag ni Dizon, na isa sa pangunahing sanhi ng pagkasira ng mga pump ay ang basurang nahihigop mula sa mga daluyan ng tubig.