Kanselado ang ilang biyahe ng mga sasakyang pandagat ngayong Agosto 19 dahil sa Tropical Depression Neneng at epekto ng Habagat.
Ayon sa inilabas na abiso ng Philippine Coast Guard sa Port Management Office Batangas, kanselado ang biyahe ng Island Water sa Abra de Ilog.
Sa Bicol, suspendido ang biyahe ng Starhorse Shipping Lines mula San Andres, Quezon patungong San Pascual, Masbate at Pasacao Port, at pabalik.
Kanselado rin ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat na 15 gross tonnage pababa sa Culion, Palawan.
Sa Mindoro, suspendido ang lahat ng biyahe sa Port of Lubang, gayundin ang MV Bunso Ferry 2 mula San Jose patungong Coron.
Samantala, kanselado rin ang biyahe ng MV Lite Ferry 11 mula Nasipit patungong Jagna dahil sa problema sa steering system.