Tiniyak ng Department of Health (DOH) na patuloy ang monitoring at pag-deploy ng kanilang mga tauhan upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan na apektado ng matinding ulan at pagbaha na dulot ng bagyo at habagat sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay DOH Secretary Edwin Mercado, inihayag nito na mayroong Health Emergency Management Bureau ang kagawaran na nakatutok sa koordinasyon sa mga rapid response team na nakatalaga sa mga regional office.
Ayon kay Sec. Mercado, tumutulong din ang mga kawani ng DOH sa mahigit 313 na evacuation centers sa pagbibigay ng mga gamot, sanitary hygiene kit, at mental and psychological support para matulungan ang mga apektadong residente.
Ani Mercado, tinututukan din nila ang pagkalat mga sakit dulot ng ulan at pagbaha, lalo na aniya ang Leptospirosis, kaya namahagi na rin sila ng Doxycycline na gamot sa mga pampublikong ospital.
Dagdag pa ng kalihim, maaari rin aniyang kumunsulta ang publiko sa mga YAKAP clinic, lalo na ang mga lumusong at nababad sa baha at maaari ring ma-avail ang mga gamot sa mahigit 2,900 na drugstoreS sa ilalim naman ng Gamot Program ng pamahalaan.