Ipinag-utos ng Malacañang ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado), pati na rin ang pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong National Capital Region (NCR) at 17 lalawigan ngayong Miyerkules, August 19, 2026. Ito ay dulot ng patuloy na masamang panahon at inaasahang malakas na pag-ulan na dala ng habagat o southwest monsoon.

Ayon sa Malacañang, kabilang sa mga lalawigang sakop ng suspensyon ng klase at pagpapatupad ng alternative work arrangements sa gobyerno ang:
- NCR (Metro Manila)
- Ilocos Region & Cordillera: Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan
- Central Luzon: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales
- CALABARZON: Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal
- MIMAROPA: Occidental Mindoro at Oriental Mindoro
Nilinaw ng Palasyo na ipinauubaya sa mga lokal na pinuno o Local Chief Executives ang localized na kanselasyon o suspensyon ng klase at trabaho sa pamahalaan sa iba pang mga lugar na hindi kasama sa listahan.
Samantala, ipinaalala rin na ang suspensyon ng trabaho o ang paglipat sa alternative work arrangements sa mga pribadong kompanya at sektor ay nakatala sa sariling pagpapasya at desisyon ng management ng bawat kumpanya.
I-refresh ang pahinang ito para sa mga susunod pang update mula sa mga pamahalaang lokal.