Photo courtesy: International Maritime Organization (IMO)
Binigyang-diin ng Iran na mananatiling sarado ang Strait of Hormuz kung hindi tutuparin ng Estados Unidos ang pinasok nitong paunang kasunduan noong Hunyo.
Sa komentong inilabas ng state media nitong Martes, inilahad ni Iranian negotiator at Parliament Speaker Mohammad Baqer Qalibaf ang ilan sa kanilang kondisyones na nasasaad aniya sa memorandum of understanding na nalagdaan.
Kabilang dito ang pagtanggal ng U.S. blockade sa Iranian ports, pag-alis ng sanctions sa langis, pag-release ng frozen Iranian assets at ang paghinto sa military operations.
Maaalalang nasira ang napagkasunduan ng dalawang panig noong Hunyo buhat sa awayan sa kung sino ang kokontrol sa istratihikong kipot.
Nitong Lunes, mas lalo pang uminit ang tensyon nang sabihin ni U.S. President Donald Trump na dapat nang sumuko ng Iran kalakip ang babala sa Oman na huwag mangialam sa pagbubukas ng Hormuz.