26 electric cooperatives, mino-monitor ng NEA dahil sa epekto ng Habagat
Patuloy na mino-monitor ng National Electrification Administration (NEA) ang 26 electric cooperatives sa 14 na probinsya dahil sa epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ayon sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, tatlong electric cooperatives ang nakararanas ng partial power interruption. Kabilang dito ang BATELEC II sa Batangas, BENECO sa Benguet at PELCO II sa Pampanga.
Samantala, naibalik na ang suplay ng kuryente sa lahat ng 243 apektadong munisipalidad, habang nagpapatuloy ang restoration efforts para sa natitirang 1,002 consumer connections na wala pa ring kuryente.