Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga financial regulators na maging handa sa mga banta sa financial system.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., kaakibat ng panganib ang banta sa ekonomiya kaya dapat maging proactive at mas forward looking ang mga regulators at kolaborasyon ng mga bansa ng ASEAN.
Binigyang-diin ng BSP governor ang tatlong kritikal na usapin na kinakailangan ng mas matinding atensyon mula sa mga sentral na bangko at tagapamahala.
Kabilang dito ang hidwaan at tensyon sa pagitan ng mga bansa na nagdudulot ng epekto sa pandaigdigang merkado.
Ang mas mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at ang mga kaugnay na banta sa seguridad sa internet at online banking.
Kasama rin ang epekto ng pagbabago ng klima sa kalagayang pampinansyal ng mga institusyon at mamamayan.
Ayon sa BSP chief, bilang tugon, pinalakas na ng BSP ang paggamit nito ng data analytics, artificial intelligence (AI), at Supervisory Technology (SupTech), habang isinasama rin ang pagsusuri sa climate risks sa kanilang opisyal na pag-o-audit at pangangasiwa.
Ito ang naging mesahe ni Remolona sa ginanap na South East Asian Central Banks (SEACEN) Centre’s “High-Level Conference and Meeting of Deputy Governors for Financial Stability and Supervision.