Mula noong 1976 ay mas lumakas at lumalim pa ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam ng sumali ang huli sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 1995.
Ayon kay Philippine Ambassador to Vietnam, His Excellency Noel R. Fernandez III, sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, maituturing na milestone ang pagsanib ng Vietnam sa East Asian Regional Bloc dahil nagawa nitong mas mapaglapit ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam sa maraming aspeto tulad sa larangan ng diplomatic at economic cooperation maging sa security and maritime cooperation.
Ngayong taong 2026 ginugunita at ipinagdiriwang ng Pilipinas at Vietnam ang ika-50 taong anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.