Arestado at deretso sa kulungan ang isang indibidwal na pinaniniwalaang bugaw o nagaalok ng mga babae kapalit ng ₱25,000 pesos na umanoy discounted rate.
Ayon sa National Bureau of Investigation International Operations Division nakatanggap sila ng tip na ang indibidwal ay matagal nang sangkot sa sexual exploitation at ang mga biktima nito ay mga kababaihang sumasali pa sa pageantry, model at foreign nationals.
Sa pamamagitan ng isang undercover agent, nahuli ang indibidwal sa isang condominium sa Makati City at agad na inaresto ng mga otoridad
May na-rescue naman ang NBI na anim na trafficking victims na isang beauty queen at limang Russian Nationals
Dinala na sa Makati City Social Welfare and Development ang mga biktimakung saan inaasahan na mabibigyan sila ng tulong ng pamahalaan
Pinuri naman ni NBI Director Melvin Matibag ang NBI Agents dahil sa mabilis at maayos nitong pagkilos upang maging matagumpay ang operasyon.
Binigyang diin ni Matibag na patuloy nilalabanan sa bansa ang human trafficking at suportahan o i-rescue ang mga biktima ng ganitong gawain. | ulat ni Louisa Erispe