Pinuna ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairman Senadora Risa Hontiveros kung bakit natagalan ang pag take down o pag alis sa facebook ng livestreaming ng pamamaril ng isang estudyante sa Ateneo de Zamboanga.
Sa pagdinig sa senado ngayong araw, sinabi ni CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) Executive Director Undersecretary Renato Paraiso na inabot ng 14 minutes ang livestreaming sa facebook ng pamamaril bago ito na-takedown.
Ayon kay Paraiso, limang minuto pa lang ng pamamarili nang malaman ng CICC ang livestreaming ng pamamaril ay agad na nila itong itinawag sa Meta, na siyang nangangasiwa sa Facebook para mapa takedown ang video.
Pero inabot pa ng 9 minutes bago tuluyang natanggal sa facebook ang video.
Giit ni Hontiveros, matagal ang 14 minutes at marami na ring nakagamit ng video at nire-reshare ito o pinapakalat pa.
Kaugnay nito, nanawagan si Paraiso sa mga nakakakita ng Zamboanga shooting videos na ipadala sa CICC ang link o URL para mapa takedown.
Giniit naman ni Hontiveros na dapat magkusa na ang Meta na gawin ito at huwag nang ipaubaya sa CICC ang paglilinis sa basura sa kanilang platform para maiwasan ang online glorification ng karahasan. | ulat ni Nimfa Asuncion