Naghain na ng supplemental counter-affidavit ang kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa Office of the Ombudsman.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Ade Fajardo ang legal counsel at spokesperson ni Romualdez na opisyal nang inihain ng mga abogado ng kongresista ang supplemental counter-affidavit kaninang alas-2:46 ng hapon, na may humigit-kumulang 50 pahina at may mga kasamang affidavit.
Kabilang rito ang sworn statements ng 25 dating driver at security aide ni Rep. Zaldy Co, gayundin ang recantation o pagbawi ng salaysay ni Orly Guteza.
Matatandaang naglunsad ng preliminary investigation ang Ombudsman kaugnay ng kasong plunder, graft, bribery, at money laundering laban kay Romualdez na isinasangkot sa maanomalyang flood control project.
Iginiit naman ni Romualdez na handa niyang harapin ang imbestigasyon ngunit idiin na wala siyang kinalaman sa mga anomalya. | ulat ni Diane Lear