Mahigit 10,000 residente ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng Habagat sa Luzon at Mindanao.
Umabot sa 10,197 indibidwal ang nailikas noong August 19.
Pinakamarami ang naitala sa Coast Guard District National Capital Region-Central Luzon (CGDNCR-CL), kung saan 9,564 katao ang inilikas sa mga binahang lugar sa Pampanga.
Nagsagawa rin ang PCG ng rescue operations, libreng sakay, at pamamahagi ng relief goods katuwang ang mga lokal na awtoridad.
Sa Batangas, 411 indibidwal ang inilikas sa Lian, habang 222 naman ang tinulungan sa Zamboanga del Sur.
Nakapagpakilos na rin ang PCG ng 829 Deployable Response Group teams na binubuo ng 5,604 responders sa iba’t ibang lugar na apektado ng Habagat.
Nananatiling naka-heightened alert ang mga response team ng PCG para sa posibleng karagdagang operasyon dahil sa pagbaha.
📸 PCG

