Nagbaba na ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa bumubuting lagay ng panahon matapos ang sunod-sunod na pag-ulang dala ng Habagat.
Ayon sa NDRRMC, nakababa na sa BLUE mula sa RED ang kanilang alert status at deactivated na rin ang Inter-Agency Coordinating Cell na binuo para tumugon sa epekto ng masamang panahon.
Paliwanag ng NDRRMC, manageable na ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at natugunan na ang operational requirements ng mga National Response Cluster.
Gayunman, mananatiling aktibo ang Virtual Emergency Operations Center para sa pakikipag-ugnayan gayundin sa pagpapalitan ng impormasyon ng mga ahensya.
Patuloy din ang monitoring ng NDRRMC sa epekto ng Habagat at mga tropical cyclone system sa bansa.