Nakapagtala ang Lungsod ng Maynila ng 14 na bagong kaso ng dengue at 11 kaso ng leptospirosis batay sa pinakahuling tala ng Manila Health Department (MHD) nitong August 20.
Umabot na sa 2,314 ang kabuuang kaso ng dengue sa lungsod mula January 1 hanggang August 20, habang nasa 170 naman ang naitalang kaso ng leptospirosis.
Nakapagtala rin ng tatlong bagong kaso ng influenza-like illness (ILI) at dalawang severe acute respiratory infection (SARI).
Sa parehong araw, walang bagong naitalang kaso ng cholera, typhoid fever, at kumpirmadong COVID-19.
Mula January hanggang August 20, umabot na sa 972 ang kaso ng ILI, 292 ang SARI, 84 ang COVID-19, 66 ang typhoid fever, at tatlo ang cholera sa Maynila.