Patuloy ang pagpapadala ng relief supplies ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nararanasan ng iba’t ibang bahagi ng bansa ang epekto ng magkakasunod na bagyo at masamang panahon.
Mula sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City, tuloy-tuloy ang pag-dispatch ng Family Food Packs (FFPs) bilang augmentation support sa mga DSWD Field Offices na nangangailangan ng karagdagang relief supplies.
Ang mga FFP ay ipinapadala sa DSWD Field Offices sa Ilocos Region, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON, at MIMAROPA, para mapalakas ang kanilang stockpile at matiyak na may sapat na suplay para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad.
Batay sa pinakahuling update ng DSWD, umabot na sa 1,481,076 FFPs, 13,829 non-food items, at 21,875 ready-to-eat food boxes ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Habagat.
Kabilang sa mga lugar na nakatanggap ng augmentation support ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
📸 DSWD

