Target ng Quezon City Police District (QCPD) na simulan na sa susunod na linggo ang pagsasagawa ng school drills at information drives sa mga paaralan sa lungsod.
Ito ay kasunod ng emergency conference na pinangunahan ni QCPD District Director Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio kung saan tinalakay ang mga hakbang para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan kasunod ng mga insidenteng may kaugnayan sa school safety sa iba’t ibang lugar.
Bahagi ng mga isasagawang aktibidad ang Immediate Action Drill (IAD) Protocol for Schools, na layong palakasin ang kahandaan at kakayahan ng mga estudyante, guro, school personnel at mga pulis sa pagtugon sa emergency at posibleng security threats.
Isasagawa ang drills sa koordinasyon ng Department of Education, mga school authority, at iba pang stakeholders.
Kasunod nito, iniutos din ni PBGen. Silvio ang pagpapaigting ng Police presence, regular na security assessment, at mas mahigpit na koordinasyon sa mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at school personnel.
📸 QCPD

