Photo courtesy of COMELEC
Binigyang-diin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatuloy ng modernisasyon at pagpapalakas ng transparency sa halalan kasabay ng pagdiriwang ng ika-86 na anibersaryo ng ahensya.
Sa mensahe ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, kabilang sa mga itinampok na reporma ang unang paggamit ng internet voting para sa mga Pilipino sa ibang bansa noong May 2025 National and Local Elections.
Mahigit 99% din ng election returns ang naipadala sa mga server ng COMELEC, dahilan upang mabilis na matanggap ng publiko ang mga resulta ng halalan.
Pinaghahandaan na rin ng ahensya ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, kung saan mahigit 2.3 milyong balota na ang naimprenta.
Susundan ito ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2.
Tiniyak ng COMELEC na patuloy nitong palalawakin ang transparent, inclusive, accessible at modernized electoral processes upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa halalan.