Puspusan ang isinasagawang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga nasirang slope protection sa Cordillera Administrative Region (CAR) matapos ang pagbayo ng magkakasunod na bagyo na sinabayan pa ng matinding Habagat.
Sa isinagawang inspeksiyon ni DPWH Sec. Vince Dizon, sinabi nito na pananatilihin ng ahensiya ang Japanese metal curtain technology na ginamit para sa slope protection sa Daclan, Tublay at Benguet sa kabila ng pinsalang tinamo nito dahil sa landslde.
Ani Dizon nakonsulta na nila ang kanilang Japanese partners hinggil dito at handa naman nitong tugunan ang naging isyu sa slope protection.
Malaking dahilan umano ng pagkasira ng slope protection ay dahil sa napakalaking volume ng tubig, lupa at bato na sinalong lahat ng slope protection. Naglaan na ng 30 million pesos para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang slope protection ngunit dahil manggagaling ang materyales sa ibang bansa ay makakarating pa ito sa loob ng 2 buwan dahilan para abutin ang repairs ng hindi bababa sa apat na buwan.