Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 26 na distressed overseas Filipino workers (OFWs) at apat nilang dependents mula Dubai, United Arab Emirates, sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon sa OWWA, dumating ang kabuuang 30 repatriates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Emirates Flight EK334. Agad silang sinalubong ng mga kinatawan ng OWWA at DMW na nagbigay ng airport assistance at iba pang kinakailangang suporta sa kanilang pagdating.
Ayon sa OWWA, magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga umuwing OFWs sa pamamagitan ng mga Regional Welfare Offices upang matiyak ang kanilang kapakanan, kabilang ang welfare assistance at iba pang serbisyong makatutulong sa kanilang muling pagsisimula kasama ang kanilang mga pamilya.
Tiniyak ng OWWA at DMW ang patuloy na pag-alalay sa mga repatriated OFWs, mula sa kanilang ligtas na pag-uwi hanggang sa kanilang muling pagsisimula at pagbangon sa bansa.