Inihayag ni Cabinet Secretary Benhur Abalos na kasama ang bayan ng Glan at Malapatan sa Saranggani na kanilang sasadyain sa harap na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin ang sustainable recovery efforts sa mga lugar na tinamaan ng 7.8 na lindol sa Mindanao noong nakaraang June 8.
Ayon kay Abalos, magsasagawa sila ng assessment para sa long-term recovery needs ng mga taga Glan at Malapatan sa gitna ng tuloy- tuloy na suporta na ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan para sa kanilang pagbangon.
Pagbibigay diin ni Abalos, sustainable recovery efforts ang direktiba ni Pangulong Marcos para sa mga lugar na hinagupit ng malakas na lindol at dapat gawin ito ng whole government approach.
Kung ano mang oportunidad at programa, sabi ni Abalos, na maaaring maibaba sa mga tinamaan ng kalamidad ay ihahatid aniya nila ito gaya ng oportunidad sa trabaho, pabahay, at sa agrikultura.
Nitong nakaraang Biyernes ay sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental ang pinuntahan nina Secretary Abalos kung saan ay dala nila ay trabaho, kabuhayan, at pabahay sa mga biktima ng lindol.