Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Lalawigan ng Pampanga ang destinasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.
Ito’y upang kamustahin ang mga naapektuhan ng Southwest Moonsoon nitong nakalipas na mga araw.
Unang pupuntahan ng Pangulo ang Bacolor Mini Convention Center at Bacolor Integrated School sa Cabambangan, Pampanga kung saan ay naroroon ang mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa lalawigan.
Bukod sa personal na makamusta ay inaasahang isasabay na din ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong para sa mga kababayang pansamantalang nanunuluyan sa dalawang nabanggit na lugar.
Pagkatapos nito ay pangungunahan naman ng Pangulo ang situation briefing sa Pampanga Provincial Capitol sa bayan ng San Fernando kung saan ay inaasahang bibigyan ang Presidente ng huling update hinggil sa sitwasyon ng mga kababayan nating apektado pa din ng mga pagbaha.