Nais pang paigtingin ni NCRPO Officer in Charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang seguridad sa bawat paaralan sa Metro Manila.
Ito ay kaugnay ng sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Aniya, mahalaga ang patuloy na koordinasyon sa komunidad ng paaralan at ang pagtuturo kung paano tutugon sakaling magkaroon ng ganitong insidente.
Dagdag pa ni Abrahano, mahalaga ring malaman ng mga magulang at guro ang mga ganitong pangyayari kaya kinakailangang bantayan ang online presence o aktibidad ng mga bata sa internet.
Sa huli, tiniyak ng NCRPO na magpapatuloy ang police visibility upang maiwasan ang mga ganitong insidente, partikular sa mga paaralan sa Metro Manila.