Magtutulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Agriculture (DA) upang humubog ng bagong henerasyon ng skilled at certified urban agriculture practitioners sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Layunin nitong bigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa modernong produksyon ng pagkain na makatutulong sa pagtugon sa food security at climate resilience sa bansa.
Samantala, ang TESDA Complex sa Taguig ang magsisilbing flagship Urban Agriculture Technology Demonstration and Training Center ng nasabing programa upang mabigyan ang mga kalahok ng hands-on exposure sa modernong pagsasaka.