Hindi na muna itutuloy ng Department of Education (DepEd) ang nakatakda sanang Nationwide Active Threat Drill sa mga paaralan bukas, August 25, 2026.
Ito ang kinumpirma ng tanggapan ni Education Secretary Sonny Angara sa pamamagitan ng Media Relations Chief nito na si Dennis Legaspi.
Isinagawa aniya ang pagpapaliban ng aktibidad dahil sa pagpuna ng Philippine Psychiatric Association at Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry, dahil sa posibleng trauma na idudulot nito sa mga bata.
Bukod dito, sinabi ni Legazpi na marami pa sa mga paaralan ang wala pang face to face classes, ngayong linggo.
Nabatid na layunin sana ng drill na patatagin ang Localized School Contingency Plan sa tuwing may pag-atake sa paaralan kasunod na rin ng mga naitatalang insidente ng pag-atake tulad nang sa mga Lungsod ng Tacloaban at Zamboanga.