Tinalakay sa situation briefing sa San Ferdando City ang mga naranasang pagbaha, sa iba’t ibang bahagi ng Pamapanga bunsod ng mga pag-ulang dala ng nagdaang TS Luis, bagyong Maymay, at habagat
“Tungkol sa flooding situation sa Region 3 at talagang ramdam na ramdam na napakabigat ang ulan at napakarami ang bumagsak na tubig kayat na-overwhelm lahat ng mga ating flood management program.” —Pangulong Marcos Jr.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pinagsamang mabigat na volume ng ulan at problema sa flood control projects ang sanhi ng pagtaas ng tubig- baha sa rehiyon.
“Ang problema kitang-kita, siyempre alam naman natin na marami sa… Halimbawa sa Bulacan na mga flood control na hindi naman nagawa kaya nagkakaganito. Ngunit kailangan din natin maunawaan na hindi lang dahil sa problema ng flood control project kung hindi pati na sa lakas talaga ng ulan na hindi pa natin nakita sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay resulta ang naging resulta ng climate change.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang gobyerno aniya, gumagawa na ng mga hakbang upang masiguro na maiiwasan nang maulit ang mga ganitong insidente ng pagbaha.
Nakalatag na aniya ang immediate term at pang-matagalang solusyon.
“Kailangan maunawaan din ng tao na yung climate change ay talagang nandito na at diyan tayo naapektuhan. Di bale at tayo’y gumawa, nakapag-desisyon tayo tungkol sa immediate measures na kailangan gawin, the immediate term, medium term and in the long term.” —Pangulong Marcos Jr.
Kabilang dito ang pagaayos sa mga nasirang imprastruktura, at papaspasan ang pagsasakatuparan nito.
“Yung immeidate term, syempre aayusin natin yung mga nasira at papalitan natin lahat ng mga nasira. yun ang pinaka immediate na kailangang gawin, na madalian, para matapos uli.” —Pangulong Marcos Jr.
Mayroon din aniyang proyekto para sa Sabu River Dams.
“Lima kaagad sa Nueva Ecija dahil ito kumukuha ng tubig sa taas. Sierra Madre na yan pinagkukuhanan ng tubig at yan ay makakatulong para bawasan ang bilis ng pagbaba ng tubig, mabawasan ang siltation at makakapag-ipon pa tayo ng tubig para gamitin for household use, industrial for irrigation sa agrikultura.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng pangulo, isa rin sa mga nakikitang long-term plans ay ang paggawa ng dike na kalsada, na posibleng umabot hanggang Bataan.
“Malayo ang aming tinitingnan hanggang Pilar sa Bataan. It is the long term plan. Sa kasalukuyan pinagaaralan natin, that’s about a hundred kilometers, medyo matatagalan, pero pinagaaralan na natin.” —Pangulong Marcos Jr.
Pinag-aaralan pa aniya ito.
“At least at the very least meron tayong plano at meron na tayong masisimulan dun sa napakahaba na gagawin ng dike na kalsada para maharang ang tubig na nanggaling sa dagat, sa Manila Bay. So that is the suituation that we have not. Im satisifed na yung immeidate needs ng Dau, yung kanilang pagkain, yung kanilang shelter, yung kanilang healthcare na dala ng pamahaaln ng national government, nandyan lahat.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang pagsisiguro ng pangulo, hindi mauubusan ng gamit o tulong ang gobyerno, hanggat mayroong Pilipinong nangangailang. “Di naman tayo naubusan ng gamit, di naman tayo naubusan ng tulong. Patuloy yan hanggat nangangailangan ng tao ay binibigyan natin silang lahat ng kanilang pangangailangan. So that is the situation for now. It is sitll a dev eloping situation. hindi pa tapos ito so we will continue to monitor, we will continue to do everything that we can so that we will mitigate the effects of this very strong rain and the flooding that follows it.” —Pangulong Marcos Jr.