Umabot na sa 102 na lugar sa Luzon ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pinagsamang epekto ng mga nagdaang bagyo gayundin ng Habagat.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nagdeklara ang buong lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite.
Nasa ilalaim din ng state of Calamity ang Dagupan, Dagupan; Santa Barbara,Mangaldan Bugalion, Mangatarem sa Pangisinan ; at La Trinidad sa Benguet.
Gayundin ang Rodriguez, Rizal; Nasugbu,Batangas at Sablayan, Occidental Mindoro.
Samantala, aabot naman sa 7.5 milyong katao o katumbas ng 2.2 milyong pamilya ang naitalang naapektuhan na ng nasabing mga sama ng panahon.
Habang nasa 2.5 thousand na ang naitala ng NDRRMC na nasirang kabahayan, 5.1 billion pesos na halaga na nasira sa imprastraktura at 1.7 billion pesos naman na ang halaga ng nasira sa agrikultura.