Nakatanggap ang Philippine Coast Guard ng dalawang 27-meter Marine Protector-class patrol vessel mula sa Estados Unidos upang palakasin ang search and rescue, marine environmental protection at maritime domain awareness operations ng bansa.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, inaasahang darating sa Manila waters sa Oktubre 2026 ang dalawang barko na ikokomisyon bilang BRP Pag-asa at BRP Patag.
Nauna nang nagtapos sa specialized operational at maintenance training sa Baltimore, Maryland ang 24 na tauhan ng PCG na hahawak sa dalawang patrol vessel.
Sinabi ni Cayabyab na makatutulong ang mga bagong sasakyang-pandagat sa mas mabilis na pagtugon sa mga emergency sa dagat, kabilang ang oil spill at iba pang insidenteng may epekto sa marine environment.
Bahagi rin ang acquisition ng pinalalakas na maritime security cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos.
📸 PCG

