Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na walang masasayang na pondo na nakalaan sana para sa Brgy at SK Election ngayong taon, sakaling hindi matuloy ang halalaan sa Nobyembre.
Sa isang ambush interview sa Senado sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na ang mga nabili pa lang naman mula sa pondo ng BSKE ay mga ballpen at iba pang election paraphernalia.
Lahat ng ito hindi sayang at magagamit pa kahit iurong ang eleksyon dahil hindi pa rin naman ito nade-deliver sa ngayon sa mga polling precinct.
Giit pa ni Chairman Garcia, kung may nagastos man din sa pondo bukod sa mga na-procure na gamit pinasahod ito sa mga tauhan ng COMELEC na nagtrabaho para maghanda sa halalan.
Nanawagan lang ang COMELEC na sana ngayon palang o kaya bago ang Setyembre desisyunan na ng kongreso ang posibleng postponement upang makapaghanda na rin sila sa nakatakda namang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.