Nilinaw ng Korte Suprema na hindi na pwedeng bawiin ng bangko ang nawalang pera kung sila ang dahilan kung bakit ito nangyari.
Iginiit pa ng SC na dahil public interest ang banking business ay dapat pinakamataas na antas ng pag-iingat ang ipinapakita ng mga bangko sa paghawak at paglalabas ng pera.
Ito ang binigyang-diin ng korte matapos magkamali ang teller ng bangko na imbis na pitong (7) araw ay tatlong (3) araw lang ang lumipas ay na-withdraw na ng nag-deposit ang pera.
Pinabalik ng bangko ang pera pero sabi ng Korte Suprema hindi na ito pwedeng bawiin dahil pagkakamali ito ng bangko.