Nanatili sa investment-grade na “A-minus” na may stable outlook ang credit rating ng Pilipinas matapos itong muling pagtibayin ng international credit rating agency na R&I.
Tinanggap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang desisyon, na ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr. ay nagpapakita ng matatag na macroeconomic fundamentals ng bansa sa kabila ng pandaigdigang kawalan ng katiyakan.
Sinabi ng BSP na sinusuportahan ang katatagan ng ekonomiya ng matibay na banking system, efficient payment system, at maayos na external position ng bansa.
Patuloy namang nakatuon ang BSP na mailapit sa tatlong porsiyentong target ang inflation upang maprotektahan ang purchasing power ng mga sambahayan at masuportahan ang pamumuhunan.