Kasado na ang mga paghahanda ng Department of Energy (DOE) maging ang electric cooperatives, energy distribution facilities, at iba pang energy stakeholders sa pinsalang posibleng idulot ng bagyo at Habagat.
Sa isinagawang pulong balitaan ng DOE, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na all-set na ang kanilang koordinasyon sa lahat ng stakeholder ng power sector para sa pinsalang idudulot ng masamang panahon.
Naka-abang na rin ang mga plano at istratehiya ng DOE oras na maitala na ang mga pinsala sa energy facilities sa bansa.
Payo pa ng DOE sa publiko, na kung maaari ay umiwas sa mga nasirang energy infrastructures tulad ng mga poste ng kuryente lalo kung may baha upang maiwasan ang ano mang aksidente.
Agad din itong ipagbigay-alam sa lokal na otoridad o mga energy stakeholder upang agad na maaksiyunan.