Patuloy ang pagtutok ng Department of Energy (DOE) sa sitwasyon ng mga power grid sa bansa partikular na sa Visayas Grid.
Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Energy Undersecretary Mario Marasigan na nananatiling nasa normal function at capacity ang Luzon at Mindanao Grid habang ang Visayas Grid nakararanas pa rin ng Yellow at Red Alert bunsod ng manipis na suplay ng kuryente sa power grid.
Sa Luzon Grid papalo ang peak deman sa mahigit 11,500 megawatts ngunit may available naman na mahigit 15,500 megawatts na power supply, habang sa Mindanao ay may peak demand sa hapon na mahigit 2,600 megawatts ngunit may suplay naman ang power grid na mahigit 3,000 megawatts.
Habang ang Visayas nananatiling malaki ang gap ng kailangang kuryente sa naipo-produce bunsod pa rin ng forced outages at preventive maintenance ng mga power producers.