Extended na hanggang buwan ng Setyembre ang ipinatutupad na ₱12 per liter na fuel subsidy program ng pamahalaan para sa mga pampublikong sasakyan.
Ibinahagi ni Department of Energy–Oil Industry Management Bureau o DOE-OIMB Director Rino Abad na patuloy lang ang pag-arangkada at pagdami ng mga PUV beneficiary na nakikinabang sa fuel subsidy program.
Sa katunayan, sumipa na sa aabot sa ₱537 million ang nailaang pondo ng pamahalaan sa fuel subsidy program, kung saan, kung susumahin, ay mayroong average na ₱52 million weekly expenditure ang pamahalaan.
Nadagdagan din ang bilang ng mga PUV beneficiary na umaabot na sa 98,000, habang dumarami pa ang participating gasoline stations sa nasabing programa na ngayon ay nasa 3,382 na ang bilang.
Patuloy ang magiging assessment ng pamahalaan kung hanggang kailan tatagal ang ipinatutupad na fuel subsidy program.
