Sinira ng Bureau of Customs – Port of Surigao (BOC-Port of Surigao) ang 2,690 reams ng sari-saring sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱1.1 milyong piso.
Isinagawa ang pagsira noong August 12 bilang bahagi ng kampanya laban sa smuggling at bentahan ng mga iligal na produktong tabako.
Ang mga sigarilyo ay isinailalim sa Warrants of Seizure and Detention matapos makitang lumabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Tiniyak ng BOC na tuluyang hindi na maaaring maibenta o maibalik sa merkado ang mga nakumpiskang sigarilyo bago itinapon sa isang accredited sanitary landfill.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ito ng pinaigting na pagpapatupad ng batas laban sa iligal na kalakalan at pagprotekta sa kita ng pamahalaan.
📸 BOC
