Itinutulak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gawing non-bailable ang illegal possession ng loose firearms.
Iminumungkahi rin niya ang hanggang 20 taong pagkakakulong para sa mga lalabag.
Ayon kay Remulla, kailangan ng mas mabigat na parusa para mapigilan ang illegal na paggamit ng baril.
Pinabibilis na rin umano ng Kongreso ang mga panukalang amyendahan ang firearms law.
Nanawagan din si Remulla ng mas mahigpit na pag-iingat ng licensed gun owners sa kanilang mga armas.
Kasunod ito ng school shooting sa Zamboanga City, kung saan isang menor de edad ang nakakuha umano ng legal na baril.