Iginiit ngayon ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng ligtas na online space para sa mga bata.
Ito’y kasunod ng pagsuporta ng kagawaran sa panukalang i-regulate ang paggamit ng social media.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mahalagang tiyakin na naaangkop sa edad ng mga kabataan ang kanilang mga naa-access sa social media.
Kaya pabor siyang i-regulate ang paggamit ng social media apps upang maiwasan ang exposure ng mga bata sa hindi tama o nararapat na content.
Binigyang-diin pa ng kalihim na sa panahong ito ng digital age, mahalagang protektahan ang mga kabataan, at tiyakin na mabibigyan sila ng safe spaces.