Ipinauubaya ng House prosecution panel sa senador-judges ang paggampan sa kanilang constitutional mandate na maglabas ng desisyon sa impeachment trial.
Ito ang naging pahayag ni House lead prosecutor at Representative Gerville Luistro nang tanungin hinggil sa bilang ng mga senador na dumadalo sa paglilitis.
Nitong nakalipas na trial dates, hindi na lalagpas sa 15 ang mga umaattend na senador sa impeachment court.
Aniya, hindi siya nagbibilang ng attendance ng mga senador na dumadadlo sa paglilitis.
Paliwanag ni Luistro, nakatuon ang kanilang lupon sa paghaharap ng mga ebidensya at testigo, na hiwalay naman sa tungkulin ng mga senador bilang mga taga hatol.
Binigyang-diin pa niya, na sa kabila ng mga pagsubok na kinahaharap nila bilang mga public prosecutors at mambabatas, mananatili silang matatag sa kanilang sinimulang laban.
Gayundin aniya ang mga private prosecutor na boluntaryong nag-alay ng oras at effort para sa sa bayan.