Nagbabala ang National Council on Disability Affairs laban sa paggamit ng pangalan at logo nito nang walang pahintulot para sa solicitation.
Nilinaw ng ahensya na walang indibidwal o grupong awtorisadong gumamit ng logo nito para sa solicitation, recruitment, at online promotions.
Ayon sa NCDA, ang unauthorized use ng logo ay mapanlinlang at maaaring paglabag sa batas.
Maaari umanong managot sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code ang mga nagpapanggap na kinatawan ng ahensya.
Pinayuhan ng NCDA ang publiko na beripikahin muna ang anumang transaksyon mula sa mga nag-aangking kinatawan nito.
Hiniling din ng ahensya na ireport ang kahina-hinalang paggamit ng pangalan at logo sa council@ncda.gov.ph. | ulat ni Rey Ferrer