Mahigit 5.57 milyong mahihirap, near-poor, at low-income households na ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng UPLIFT program ng Department of Social Welfare and Development hanggang August 26.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng programa na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at maiwasan ang paglala ng kahirapan.
Sa kabuuang bilang, mahigit 3.2 milyong households mula sa Group 1 ang nakatanggap na ng Php2,000 na ayuda,at mahigit 1.57 milyon naman mula sa Group 2 ang nabigyan na rin ng assistance.
Samantala, nasa 802,216 low-income SSS members mula sa Group 3 ang nakatanggap na ng cash aid.
Sinabi ni Dumlao na patuloy ang pamamahagi ng UPLIFT assistance sa mga natitirang target beneficiaries sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer