Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga local government unit na gamitin ang Sexual Assault Investigation Kit o SAI.Kit sa mga kaso ng sexual assault laban sa mga bata.
Layunin nitong mapadali ang pangangalap at pangangalaga ng DNA samples at iba pang ebidensya mula sa mga biktima.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2026-035, hinikayat ang LGUs na maglaan ng pondo para sa SAI.Kit.
Binuo ito ng UP Diliman DNA Analysis Laboratory at inilunsad noong Mayo 2026.
Hinimok din ang LGUs na isama ang SAI.Kit sa kanilang mga programa at palakasin ang koordinasyon ng VAW Desks, health offices at law enforcement.
Ayon sa DILG, makatutulong ang SAI.Kit sa pangangalaga ng mga batang biktima at sa pagpapanatili ng mahahalagang ebidensya para sa paghahanap ng hustisya. | ulat ni Rey Ferrer